Libre Lang Mangarap


LIBRE LANG MANGARAP

Ano ang pangarap mo sa buhay? Maganda sa tao yung may pangarap. Mas maraming pangarap at mas malalaki, mas maganda. Mas maraming dahilan para bumangon sa araw-araw.

Ang laki ng nagagawa ng mayroong pangarap. Yun ang nag-mo-motivate sa atin. Nagpapasipag sa trabaho. Nagbabawas ng stress kapag may problema. Tumutulong maging creative kung paano dadagdagan ang income. Nagbibigay ng focus. Tinutulungan tayong malaman kung ano ang mga bagay na aksaya lamang sa oras.

Masarap ang may pangarap. Araw-araw inspired ka. Kahit paunti-unti lang ang takbo, pakiramdam mo may direksyon ka. Ang importante umuusad. Kung mapagod man, magpahinga lang, tapos tuloy ulit.

Sa tulong ng Diyos, darating ang panahon na maaabot din ang mga pangarap. Disiplina, sipag, focus, at pananampalataya sa Kanya ang kailangan. Magtiwala kay Lord. Kung ayon sa kalooban Niya at hindi makakaapak ng kapwa ay ipagkakaloob Niya. Wala pang natalo sa laban kapag si Lord ang kinakapitan.
“Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin.” – Mga Kawikaan 16:3


Comments

Popular Posts