Mareklamo?


MAREKLAMO?

May kilala ka bang mareklamo? Yung wala nang nakitang tama. Wala nang nakitang maganda. Kahit ano'ng gawin, kahit ano'ng mangyari, hindi masaya. Walang swak sa kanya!

Alam mo ang problema ng ganitong tao? Hindi siya grateful. Ang nakikita lang niya ay yung wala siya... yung kulang sa kanya. Hindi niya napapansin ang blessings ng Diyos sa kanya: may hanapbuhay sa gitna ng pandemya, maayos na pamilya, may mga kaibigan at mahal sa buhay. Ang nakikita lang niya lagi ay yung wala siya. Feeling niya siya ang bida sa sarili niyang pelikula. Deep inside, mayabang, wala pa naman napatunayan. 

Delikado kasama ang mareklamo. Unang-una, hindi siya masarap kasama. Pangalawa, sobrang nakakahawa. Yung mga hindi mo naiisip na negatibo, bigla mong maiisip dahil sa kanya.

Humingi tayo sa Diyos na tulungang makita ang mga pagpapala Niya sa atin. Kapag napapansin nating papunta na sa negatibo at reklamo ang isip natin, pray kaagad ng tulong at pasasalamat sa Diyos. Makikita mo, magiging mas masarap kang kasama.

"Gawin nʼyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo, para maging malinis kayo at walang kapintasang mga anak ng Dios sa gitna ng mga mapanlinlang at masasamang tao sa panahong ito. Kailangang magsilbi kayong ilaw na nagliliwanag sa kanila." - Filipos 2:14-15

Comments

Popular Posts