Piliin Ang Laging Kasama


PILIIN ANG LAGING KASAMA

Sino ang lagi mong kasama? Aware ka ba kung ano naidudulot nila sa pag-uugali mo? May isang eksperto ang nagsabi, kung sino daw ang limang tao na lagi mong kasama, yun din ang magiging ikaw ngayon or pagdating ng araw.

Napaka-importanteng piliin ang laging kasama. Depende sa kanila kung positive o negative energy ang papasok sa buhay mo. Sabi nila, “Birds of the same feather, flock together.” Totoo yun. Ang iyong mga kasama ang repleksyon kung sino ka.

Ang tunay na kaibigan magbibigay ng tamang advice na patungo kung saan mapapabuti ka. Hindi siya basta-basta na lang gagatong o itutulak ka sa alanganing sitwasyon. Ang tunay na kaibigan ay honest. Hindi niya kukunsintihin tuwing magiging pa-victim ka. Bagkus ay palalakasin ka niya na humarap sa problema.

Ang tunay na kaibigan ay tutulungan kang maging the best version of yourself. Ang tunay na kaibigan ay yung ilalapit ka sa Diyos, imbes na ilalayo ka sa Kanya. Piliin natin ang laging kasama.
“Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali. Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka’t may mga ibang walang pagkakilala sa Dios: sinasabi ko ito upang kayo’y kilusin sa kahihiyan.” – 1 Corinto 15:33-34

Comments

Popular Posts