Maging Mapagpasalamat (Always Be Thankful)
Writer's Note: This is an inspirational message I gave during our clan's 2022 Christmas Reunion Party. Posting it here for documentation purposes.
Magandang hapon po sa inyong lahat. Nais ko pong i-welcome kayong lahat dito sa ating 2022 Tamayo Clan Reunion. Nagagalak po ako na makita kayong lahat ngayon, at alam ko po na masaya rin po kayo na makita ang isa’t isa.
Pakibigyan nga po ng yakap or shake hands or tapik sa balikat ang inyong mga katabi at pakisabi “Masaya ako at nandito ka ngayon.” Nakapag-bless na ba kayo sa mga dapat blessan? Hehe. Kung hindi pa, sige, mag-bless na kayo ngayon. Hahaha.
Ngayon po ay Araw ng Pasko, at alam po natin na ito ang araw kung kailan natin sine-celebrate ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Na Siyang nagkaloob sa atin ng Kaligtasan at buhay na walang hanggan. Na kung Siya ay ating tinanggap bilang Panginoon at Tagapagligtas at tayo ay papanaw mula dito sa ibabaw ng mundo, tayo ay nakasisiguro na makakapiling natin siya sa Langit sa habangpanahon. Yun na siguro ang pinakamalaking problema natin at nabigyan na po ng solusyon ng ating Panginoong Hesus ang problema na yun, kaya po natin sine-celebrate ang kanyang birthday.
Hindi man po ngayon yung eksaktong araw ng Kanyang kapanganakan, sabi ng mga Bible scholars sometime in April daw ang totoong date kasi napakainit daw noon sa disyerto kung saan ipinanganak si Jesus, pero ngayon po ang itinakdang araw na mag-celebrate tayo, kaya hindi po natin pinapalampas ito.
Nagpapasalamat po tayo sa Panginoon hindi lamang sa Kaligtasang ibinigay Niya ng libre sa atin, kundi sa maraming bagay sa ating buhay.
May tatlong punto lamang po ako na nais ibahagi sa inyo ngayong hapon. At lahat po ng ito ay tungkol sa pagpapasalamat.
1. Magpasalamat sa Kalusugan
Alam ko maikli lamang ang buhay sa mundo. Pero hindi naman masama kung kaya nating pahabain kahit kaunti. Hehe. Magpasalamat tayo at wala tayong mga sakit. Or kung meron man, magpasalamat tayo at may mga gamot. Magpasalamat tayo at binigyan tayo ng blessings at resources ng Panginoon para makabili ng gamot. Sa Diyos galing ang lahat ng meron tayo ngayon, kaya marapat lang na magpasalamat sa Kanya.
Yung ibang tao ang sinasabi, “ako ang napagod, ako ang naghirap, nagpawis, napuyat, nag-overtime, hindi naman ang Diyos ah”. Pero ang tanong, kanino nanggaling ang lakas mo para magpawis? Kanino nanggaling ang talino at karunungan mo para mag-trabaho? Hindi ba’t sa Diyos pa rin?
Reminder lang po: Ingatan natin ang ating katawan. Kumain ng maayos, matulog ng maayos, magpahinga ng maayos. Hinay-hinay sa mga bisyo, or kung maaari iwasan magbisyo. Ang ating katawan ang templo ng Banal na Espiritu.
2. Magpasalamat sa Kasalukuyan
Live in the moment. Appreciate the present. I always take a moment na titigan si Rafa bago ko siya yakapin because I know these moments are temporary. Dadating ang panahon, hindi ko na magagawa na yakapin at titigan ang anak ko, kaya I savor every second, every moment na puwede ko pa siyang gawin.
Minsan akala natin we will live forever. Na lahat ng bagay walang katapusan. Kaya na-ta-take for granted natin ang mga mahal natin sa buhay. Kasi nasa isip natin “nanjan lang naman sila”. “Hindi naman sila mawawala”. Aba’y hindi po ganun. Wala pong forever dito sa ibabaw ng mundo, ang forever po nasa kabilang buhay, pagkatapos ng buhay natin dito.
We are just passing through this life na ipinahiram sa atin ng Panginoon. Dadaan lang tayo. 60, 70, 80, 90 years? Napakaigsi lamang kumpara sa eternity ng kabilang buhay. Nagkaroon ka ng first job mo ng 20 years old, hindi mo namamalayan 30 years ka na doon sa kumpanya, at 50 years old ka na. Hehe.
Kaya marapat na tayo ay magpasalamat sa mga sandaling nandito tayo at kapiling ang ating mga mahal sa buhay. Ngayon. Magpasalamat tayo kung ano ang meron ngayon. Nakakahinga ka ng maluwag. Nakakalakad ka ng maayos.
Ok lang maisip ang nakaraan, basta’t maisip natin ang mga lessons ng mga maling desisyon at huwag nang ulitin pa. Ok lang din na maisip ang hinaharap, paghandaan natin ito hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi pati sa ating pamilya. Pero huwag nating kalilimutang i-appreciate ang kasalukuyan dahil ito lamang ang totoong realidad. Ang nakaraan ay tapos na, ang hinaharap ay hindi natin alam at wala pa. Ang ngayon ang tunay na realidad na meron tayo.
3. Magpasalamat sa mga Katuwang
Magpasalamat tayo sa ating mga kasama sa buhay. Sa ating pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay.
Mas masarap mabuhay ng may kasama, mayroon kang someone or some people to share your happiness, sadness, your triumphs and successes, your failures and disappointments. We are actually created by God to enjoy company.
Magpasalamat tayo sa mga taong tumutulong sa atin sa oras ng ating pangagailangan, at ipanalangin natin na mas lalo pa silang pagpapalain ng Panginoon. Kapag tayo naman ang tumutulong, makakaasa tayo na may babalik din na pagtulong sa atin kung tayo naman ang nangailangan. Hindi man manggaling doon sa tinulungan natin ang pagbalik, pero ang Diyos ang siyang magbabalik ng tulong na iyon sa ibang paraan.
Sabi nga, what you give is what you receive. Kung ikaw ay matulungin, ikaw rin ay tatanggap ng tulong pagdating ng araw. Kung ikaw ay sakim, wala ka ring i-e-expect na tulong pagdating ng araw.
Kaya tayo ay magpasalamat sa mga taong inilagay ng Diyos na maging kasama natin sa ating buhay dito sa mundo. Magpasalamat tayo at binigyan tayo ng Diyos ng mga magulang, asawa, mga anak, mga kapatid, mga kamag-anak, mga kaibigan. Sila ang nagbibigay kulay sa ating buhay.
Ngayon Pasko, we are reminded to have a thankful heart. Isang puso na mapagpasalamat. Ang puso raw na mapagpasalamat ay nagiging malusog. Malayo sa mga pagkakasakit. Nabubuhay ng mas masaya at mas kuntento. Kapag tayo ay mapagpasalamat, mas masarap din tayong kasama. Hindi lang tayo ang nagiging masaya, kundi pati ang mga kasama natin, ang mga tao sa paligid natin.
Kapag tayo ay mapagpasalamat, we will leave a legacy sa ating pamilya na higit pa sa kayang iwan ng anumang materyal na bagay.
Muli, welcome po sa ating 2022 Tamayo Clan family reunion. I-cherish at i-enjoy po nating mabuti ang mga oras na ito. At pagpalain po tayong lahat ng Panginoon. Salamat po!

Comments
Post a Comment