Pasko: Ang Katuparan ng Madalas Malimutang Pangako




Christmas Message
December 25, 2023
Tamayo Family Christmas Party

Magandang araw po sa inyong lahat!

Tayo po ay nagagalak at natutuwa na tayo ay muling nagtipon bilang isang pamilya upang ipadiwang ang Pasko – ang panahon ng pag-ibig, pagkakaisa, at pagbibigayan. Ang Pasko ay hindi lamang isang okasyon para sa mga regalo at masasarap na pagkain, kundi isang pagkakataon din upang ating alalahanin ang tunay na dahilan ng ating pagdiriwang.

Last year, pinagusapan po natin ang tatlong bagay na dapat nating ipagpasalamat taun-taon tuwing sasapit ang Pasko. Naaalala niyo pa po ba? 1. Magpasalamat sa Kalusugan, 2. Magpasalamat sa Kasalukuyan, 3. Magpasalamat sa mga Katuwang. Ronaldo Valdez, sabi nila maaaring isa sa mga dahilan ng kanyang pagpapakamatay ay dahil mag-isa lamang siya ngayong Pasko. Hindi siya dadalawin ng kanyang mga anak o mga kamag-anak. Sobrang na-depress.

Magalak tayo at magpasalamat dahil may mga kasama tayo ngayon. Dahil may mga kasama tayo sa araw-araw. May mga taong sanay mag-isa, katulad ko. Tawag nila introvert. Hindi ako madaling malungkot pag nag-iisa. Pero kailangan ko pa ring i-appreciate ang mga sandaling kasama ko ang aking mga mahal sa buhay, dahil hindi laging ganito. Kaya namnamin po natin ang sarap ng samahan ng pamilya habang nandito po tayo ngayon. Mag-participate po tayo sa mga games at sa mga kuwentuhan. Kumustahin po natin ang mga kapamilya na matagal na nating hindi nakukumusta. Gamitin po natin ang panahong ito para mas lalong palalimin ang ating relasyon sa isa’t isa.

Kung last year ay pinagusapan natin ang tatlong bagay na ating ipagpapasalamat, ngayon naman po ay pagusapan natin ang dahilan kung bakit tayo nagpapasalamat. Pagusapan po natin ang pangako ng Panginoon na madalas pong nakakalimutan ng marami. At kung paano ang Pasko ang katuparan ng pangakong iyon. Ang title po ng aking mensahe ngayon ay “Pasko: Ang Katuparan ng Madalas Malimutang Pangako.”

Sa pagdiriwang natin ng Pasko, mayroon tayong pagkakataon na balikan ang kwento ng kapanganakan ni Hesus. Subalit, maaaring mangyari na marami sa atin, kahit mga Kristiyano, ay nakakakita lamang sa Pasko bilang isang pagkakataon ng kasiyahan at regalo, at hindi natin nauunawaan ang kabuuan ng plano ng Diyos para sa kaligtasan ng tao.

Ang Biblia ay puno ng mga pangako at propesiya hinggil sa pagdating ng Mesiyas. Subalit, bago pa man isilang si Hesus, dumaan muna ang mga hinirang na bayan ng Diyos sa maraming pagsubok at paglalakbay. Mula sa panahon ni Adan at Eba, hanggang kay Abraham, David, at marami pang iba, ang mga hirang na bayan ay dumaan sa iba't ibang yugto ng kanilang kasaysayan.

“Thus, there were fourteen generations in all from Abraham to David, fourteen from David to the exile to Babylon, and fourteen from the exile to the Messiah.” – Matthew 1:17

Ang Panginoon ay nagbigay ng mga pangako sa kanyang bayan at nagpadala ng mga propeta upang ipahayag ang Kanyang mga plano. Ito ay nagtagal ng mga henerasyon, at marami sa kanilang nagdalamhati, nag-aalala, at naghihintay. Subalit sa kabila ng mga pagsubok at paghihintay, ang Panginoon ay tapat sa Kanyang pangako.

Sa wakas, sa isang magandang gabi sa Betlehem, natupad ang pangako ng Diyos. Si Hesus, ang Mesiyas, ipinanganak sa isang sabsaban. Ang pangako ng Diyos para sa kaligtasan ng Kanyang bayan at ng buong sangkatauhan ay nagkaruon ng pisikal na anyo. Ang pagdating ni Hesus ay nagdulot ng pag-asa at kaligtasan sa lahat ng naghintay at nagtiwala sa pangako ng Diyos.

Kahit na sa ating mga sariling buhay, may mga pagkakataon tayong nadarama na parang walang nangyayari ayon sa plano. Minsan, tila ba wala tayong nakikitang sagot sa ating mga dasal at pangarap. Ngunit ang Pasko ay isang buhay na paalaala na ang Diyos ay laging tapat sa Kanyang mga pangako.

Kahit na may mga paghihirap at paghihintay, may pag-asa sa bawat Pasko. Ito ay isang paalala na ang Diyos ay may malaking plano para sa ating buhay, at kahit hindi natin nauunawaan ang lahat, Siya ay laging tapat sa Kanyang pangako.

Ngayong Pasko, alalahanin natin na ang pag-ibig ng Diyos ay nagsimula pa bago pa man tayo isilang, at ang Kanyang plano para sa ating kaligtasan ay palaging nagtatagumpay. Maging tapat tayo sa Kanya, maghintay nang may tiwala, at palaging magpasalamat sa pagiging tapat ng Diyos sa Kanyang mga pangako.

Ang point lang po nito is gaano man katagal at kahirapan ang panahon ng paghihintay sa pangako, darating din ang tamang panahon kung kailan ipagkakaloob ito ng Diyos sa atin, kung tayo ay tapat at sumusunod sa Kanya.

Tanggapin si Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas

Sa Banal na Kasulatan, ipinapaalam sa atin ang kamalian at kahinaan ng sangkatauhan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nagbigay ng solusyon ang Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Sabi sa Juan 3:16, "Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaruon ng buhay na walang hanggan."

Ang pagsampalataya kay Hesus at pagtanggap sa Kanya bilang ating Tagapagligtas ay ang pangunahing hakbang patungo sa kaligtasan. Ito ay hindi lamang isang relihiyosong ritwal, kundi isang personal na relasyon kay Hesus. Ayon sa Juan 14:6, sinabi ni Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang makararating sa Ama kundi sa pamamagitan ko."

Ang panganganak ng bagong nilalang, na binabanggit sa Juan 3:3, ay hindi literal na panganganak, kundi isang bagong pagsilang sa espirituwal na buhay. Ito'y nangangahulugang tayo ay nagsisisi sa ating mga kasalanan at sumasailalim sa paglilinis sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos.

Ang pagtanggap kay Hesus at ang pagsunod sa Kanyang mga utos ay nagbubukas ng pinto ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Ayon sa Revelation 3:20, "Narito, ako'y nakatayo sa pintuan at kumakatok. Kung ang sinuman ay makinig ng aking tinig at magbukas ng pinto, papasok ako sa kanya, at kakain kami, at siya sa akin."

Sa gitna ng kasiyahan ng Pasko, nawa'y ating pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng ating espirituwal na buhay. Ang pagtanggap kay Hesus at ang pagsunod sa Kanya ay nagbibigay ng tunay na kagalakan at pag-asa na hindi matutumbasan ng anumang kayamanan o kasiyahan sa mundong ito.

<Sinner’s Prayer>

Merry Christmas po sa ating lahat! Nawa'y maging mapagpala at makahulugan ang ating Pasko sa pagtanggap kay Hesus bilang ating Tagapagligtas. Amen.

Comments

Popular Posts